Aspekto ng pagmamahal para maiwasan ang karahasan



Sa isang kisapmata, nagbago ang lahat. Hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo.

 Sa hindi inaasahang hadlang na ito, mapananatili parin ba ang pagmamahalan sa bawat isa upang makaiwas sa karahasan?



Sa panahong ngayong panahon ng pandemya, kailangan lalo tayong matauhan sa nangyayari sa ating bansa at isipin parin ang ikabubuti at walang nangyayaring karahasan. Alam natin na marami pa ring taong nawawalan ng respeto sa panahon ngayon ngunit marami rin ang natututo. May mga kailangan tayong nararapat na gawin upang mapabago natin ang kaisipan ng mga mamamayan o sambayanan na malutas ang mga problema kaysa gumawa ng problema. Katulad ng kagustuhan ko, na mapayapa, maayos at may pinaniniwalang Panginoon na siyang magbibigay ng pagbabago sa atin.

Maganda nga ang Online Class Learning dahil hindi maaapektuhan ang mga mag-aaral sa pagkalat ng COVID-19. Higit pa dyan ay ang mga bata ay natuto ring magresearch sa internet at maraming nakukuhang mga impormasyon, tulad ng nalalaman nila ang nangyayari sa mundo, nalalaman din nila ang iba’t ibang mahahalagang bagay para sa buhay at nakakapulot sila ng maraming aral ukol sa pagrespeto at paggalang kahit nasa tahanan lamang.

Pag-isipan nating mabuti ang ating mga desisyon upang hindi tayo makasakit ng damdamin ng iba. Patuloy parin nating ipalaganap ang ating pagmamahal sa ating kapwa kahit na may pandemya.

Comments